NHA at PAO, nagsanib puwersa para maghatid ng serbisyo sa mga benepisyaryo ng pabahay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang National Housing Authority (NHA) at Public Attorney’s Office (PAO) na magbigay ng libreng legal assistance sa mga benepisyaryo ng NHA.

May isasagawang People’s Caravan ang NHA kasama ang PAO para sa libreng konsultasyon sa usaping batas.

Ang People’s Caravan ay ang pinakabagong inisyatibo ni NHA General Manager Joeben Tai upang tuluyang mapalapit sa mga benepisyaryo ang mga serbisyo ng gobyerno.

Isasakatuparan ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno at gaganapin sa mga proyektong pabahay sa buong bansa.

Samantala, tiniyak naman ni PAO Chief Persida Rueda- Acosta ang suporta ng PAO sa NHA at siniguro na sila ay dadalaw rin sa mga proyektong pabahay para sa mas malawak na pagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga residente.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us