Office of the Vice President, nagbigay ng tulong sa Mangyan tribe sa Victoria, Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa Mangyan tribe sa Victoria, Oriental Mindoro.

Ayon sa OVP, ito ay tugon sa pakiusap na mabigyan ang naturang tribo ng tulong gaya ng bigas at iba pang food supplies.

Nasa 155 na sako ng bigas ang ipinadala ng OVP Disaster Operations Center sa mga kapatid nating Mangyan sa Barangay Bambanin nitong Martes.

Bukod pa sa pagkain, humiling din ang mga ito na magkaroon sila ng housing at livelihood projects para sa kanilang komunidad. Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang OVP sa mga lokal na pamahalaan, Department of Human Settlements and Urban Development, at National Housing Authority hinggil dito.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us