Mariing kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang ginawang pag-atake ng communist terrorist group sa Las Navas, Northern Samar.
Batay sa impormasyon mula sa OPAPRU, dalawang sibilyan na pawang mga construction workers ng farm-to-market road project ang nasawi nang gumamit ng anti-personnel mines ang CTG.
Ayon kay OPAPRU Secretary Isidro Purisima, malinaw na paglabag ito sa International Humanitarian Law at International Ban on the Use of Anti-Personnel Mine.
Wala aniyang ibang intensyon ang grupo kundi magdulot ng takot, galit at kawalan ng tiwala dahil sa karumal-dumal na gawain.
Kaugnay nito, nanawagan si Purisima sa mga nasa likod ng pag-atake na tigilan na ang karahasan.
Tiniyak naman ng OPAPRU na mananagot ang mga may sala sa kamay ng hustisya at pagbabayarin sila lalo’t habambuhay na dadalhin ng mga pamilya ang sugat ng pagkawala ng mahal sa buhay. | ulat ni Hajji Kaamiño