Operasyon ng tatlong istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang sinuspinde ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng tatlong istasyon ng MMDA Pasig River Ferry Service ngayong araw.

Batay sa abiso na inilabas ng MMDA, ito ay dahil sa nasirang pontoon o bangka at low tide.

Kabilang sa mga istasyon ng Pasig River Ferry Service na tigil ang operasyon ay ang Valenzuela, PUP, at Maybunga.

Samantala, regular pa rin ang biyahe sa 10 istasyon ng Pasig River Ferry Service kabilang dito ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Kalawaan, Guadalupe, Sta. Ana, Lawton, Quinta, Hulo, Escolta, at Lambingan.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na manatiling nakaantabay sa mga update ukol sa biyahe ng Pasig River Ferry sa pamamagitan ng kanilang Facebook page. | ulat ni Diane Lear

📷: Pasig River Ferry Service

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us