Nagpaalam na sa serbisyo si PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Director Police Major General Eliseo DC Cruz sa pagsapit ng kanyang mandatory retirement.
Sa ipinagkaloob na retirement honors, pinuri at pinasalamatan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. si MGen. Cruz sa kanyang “exceptional work ethic, competence and unwavering dedication” sa kanyang 37 taong pagseserbisyo sa PNP.
Sinabi naman ni MGen. Cruz na isang karangalan para sa kanya ang makapaglingkod sa sambayanang Pilipino.
Kabilang sa mga malalaking “achievements” ni MGen. Cruz ang pagpapahusay ng National Police Clearance System, kung saan 779 istasyon ng pulis at malls sa buong bansa ang naging “fully equipped” na mag-isyu ng police clearance, para sa maging mas-kumbinyente sa publiko.
Sa kanyang huling pwesto bilang hepe ng DIDM, pinamunuan ni MGen. Cruz. ang Special Investigation Task Group 990, na nag-imbestiga sa mga pulis na sangkot sa kontrobersyal pagkakarekober ng mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu noong nakaraang taon. | ulat ni Leo Sarne