OVP, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President sa mga naging biktima ng sunog sa lungsod ng Taguig.

Nagkaloob ang OVP-Disaster Operations Center ng relief boxes sa 220 pamilya o 810 indibidwal.

Ang bawat relief box ay naglalaman ng mosquito net, tsinelas, hygiene at dental kits, sanitary pads, face masks at disinfectant alcohol.

Mahigit 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay North Daang Hari noong May 31.

Sinabi ng OVP na kinikilala nito ang kahalagahan ng mabilis na pagresponde sa panahon ng krisis.

Nananatili rin ang commitment nito na maghatid ng relief assistance sa pakikipag-ugnayan ng local government units at iba pang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Hajji Kaamiño

📸: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us