Nabunot ang may 15,000 fully grown marijuana plantation sa may 15,000 square meter lupain na nagkakahalagang P12,900,000.00 sa Sitio Tubig Baba sa Barangay Pitogo sa bayan ng Kalinggalan Caluang bandang 11:15 AM kanina.
Sinunog din agad sa lugar ang mga nabunot na marijuana at ang sample na ebidensiya ay itinurn-over sa PCLO Sulu para sa kaukulang eksaminasyon.
Habang, at large naman ang suspek na si Maddi Khan alyas Maddi at mga kasamahan nito.
Kinabibilangan ang mga sumusunod na operating units na nagsanib-pwersa ang: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM); 21st Infantry Battalion ng 1102nd Infantry Brigade ng Philippine Army; 74th Special Action Company ng 7th Special Action Battalion ng PNP Special Action Force; Provincial Intelligence Unit ng Sulu Police Provincial Office; 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Kalinggalan Caluang Municipal Police Station; Criminal Investigation and Detection Group; Regional Intelligence Unit IX; National Intelligence Coordinating Agency BARMM; at 4th Regional Mobile Force Battalion BaSulta.| ulat Mira Sigaring | RP1 Jolo