Kinondeda ni Northern Samar 2nd District Representative Harris Christopher Ongchuan ang ginawang pag-atake ng communist armed rebels sa Brgy. Magsaysay, munisipalidad ng Las Navas sa kanilang probinsya.
June 3 nang umatake ang communist group sa ginagawang farm-to-market road project sa naturang barangay at nagpasabog ng anti-personnel mines (APM) kung saan dalawa ang nasawi.
Ani Ongchuan, walang lugar sa kanilang komonidad ang karahasan.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya siya sa local officials at mga awtoridad upang panagutin ang mga magsala.
Sa ngayon prayoridad aniya nila na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga residente ng Northern Samar.
Siniguro din ng kinatawan na paaabutan nila ng tulong ang pamilya ng mga biktima.
“I stand firm in saying that violence has no place in our community. The first priority is ensuring the aid and safety of the Nortehanons. We are assessing the situation and appropriate assistance will be provided to the affected families,” ani Ongchuan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes