Paggamit ng renewable energy at digital transformation, dapat madaliin upang makahikayat ng mga mamumuhunan — DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki na ang pangangailangan upang lumipat na ang Pilipinas sa paggamit ng renewable energy.

Ito ang binigyang diin ni Trade Sec. Alfredo Pascual nang pangunahan nito ang Philippine Business Forum on Green Energy and Digital Technologies sa Belgium.

Sinabi ni Pascual na hindi lamang sa usaping pangkalikasan tumutugon ang paggamit ng renewable energy kundi makatutulong din ito para lumikha ng mga oportunidad na makapagpapalago sa ekonomiya.

Aniya, napakaraming likas yaman na matatagpuan sa Pilipinas na maaaring makapagkunan ng enerhiya.

Sa katunayan pa nga, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na geothermal capacity.

Kung mapalalakas aniya ito, sinabi ni Pascual na mahihikayat ang mga mamumuhunan na maglagak ng kanilang negosyo rito sa Pilipinas dahil tiyak na malaki ang kanilang matitipid sa gastusin at mapatataas ang kanilang produksyon. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: DTI

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us