Paghahandog ng libreng libing ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas na magtutuloy-tuloy ang pagbibigay nito ng libreng libing sa mga Las Piñeros na namatayan ng kanilang mahal sa buhay.

Ito ang inihayag ni Las Piñas City LGU Mayor Imelda Aguilar makaraang magtungo sa kaniyang tanggapan ang ilang naulilang pamilya para humiling ng tulong.

Walang pag-aatubiling pinirmahan ni Mayor Mel ang mga kaukulang dokumentong isinumite sa kaniya ng mga naulilang pamilya at binigyan niya rin ito ng tulong pinansyal.

Kasunod nito, personal ding ini-abot ni Mayor Mel ang kaniyang taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya.

Layunin ng kanilang programa na pagaanin ang pasanin ng mga naulilang pamilya partikular na sa kanilang gastusin at mabigyan ng disenteng libing ang kanilang yumaong mahal sa buhay. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: LAS PIÑAS LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us