Paghigop sa mga natitirang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress, sisimulan na sa Sabado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsisimula na sa Sabado ang siphoning o ang paghihigop sa mga natitirang langis mula sa lumubog na M/T Princess Empress sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ito ang kinumpirma ni National Task Force on Oil Spill at NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno, sa isinagawang pulong balitaan kanina.

Ayon kay Nepomuceno, dumating na ang grupo mula sa Singapore na siyang mangunguna sa pagsasagawa ng siphoning.

Bagaman posibleng abutin ng 20 hanggang 30 araw ang paghihigop, aminado si Nepomuceno na depende pa rin ito sa lagay ng panahon.

Sa natanggap na impormasyon ng Task Force, posibleng nasa 250,000 liters ng langis ang makukuha sa dalawang compartment ng tanker kung pagbabatayan ang report ng Philippine Coast Guard.

Nasa dalawa sa walong compartment kasi ng tanker ang nakitang intact o hindi pa nagagalaw.

Samantala, inihayag naman ng Coast Guard na ipagbabawal ang anumang aktibidad tulad ng pangingisda sa paligid ng barko kung saan magkakaroon ng operasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us