Paglalaan ng water supply system sa lahat ng evacuation center sa Bicol, isinusulong ni Rep. Co

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bunsod na rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ay itinutulak ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, na malagyan ang mga evacuation center sa Bicol region ng suplay ng tubig.

Aniya, mahalaga na mapunan ng malinis na pagkukunan ng tubig ang mga evacuation center upang matiyak na magiging maayos at ligtas ang kalagayan ng mga lumikas.

Sa kasalukuyan, patapos na aniya ang level 1 water supply system sa inilagay sa San Andres Elementary School.

Isa ito sa kasalukuyang evacuation center ng mga lumikas mula Brgy. San Fernando at Brgy. Fidel Surtida sa munisipalidad ng Sto. Domingo, Albay.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng access sa malinis na tubig ang nasa 1,789 displaced individuals na nanunuluyan sa evacuation center.

Maiiwasan din aniya ang pagkalat ng sakit na lalo lamang magpapahirap sa kondisyon ng mga lumikas.

Punto pa ni Co, na kung mayroon nang gumaganang water supply system sa evacuation centers ay mas magiging self-sufficient ang mga lugar ng paglilikasan, at hindi na kailangan pang dumepende o maghintay ng tulong mula sa iba.

“It is our duty to ensure the well-being and safety of our fellow Bicolanos, especially during times of crisis. By providing sustainable water supply systems in evacuation centers, we are addressing a critical need and enhancing the resilience of our communities. This initiative will significantly improve the living conditions of evacuees and promote their overall health and hygiene.” – Co | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us