Pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, makatwiram – Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Senate Committee on Electoral Reforms Chairperson Senador Imee Marcos na makatwiran ang mga rason sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ito ng senador, kasabay ng pagpapahayag na nirerespeto niya ang naging desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagdedeklarang unconstitutional pero praktikal ang pagpapaliban ng BSKE.

Ayon kay Marcos, ginagalang at kinikilala niya ang separation of powers ng Hudikatira at ng Lehislatura.

Iginiit ng mambabatas, na kinakailangan ng mga kasalukuyang barangay at SK officials ng sapat na panahon para maipatupad ang kanilang mga programa na naantala ng pandemya.

Binanggit rin ng senador, na ang pagsasagawa ng BSKE ngayong 2023 imbes na noong 2022 ay nakaiwas sa sitwasyong magkaroon ang bansa ng dalawang nationwide elections sa loob ng iisang taon.

Samantala, muli rin nitong iginiit na napapanahon nang palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK, dahil hindi sapat ang tatlong taon para makabuo at maipatupad nila ang kanilang mga programa.

Idinagdag rin ni Senador Imee, na ang extension ng termino ng mga barangay at SK officials ay makakatulong sa pamahalaan na makatipid ng pondo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us