Pinasisilip ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar kung bakit tumataas ang maternal death sa bansa.
Sa kaniyang House Resolution 1025, pinakikilos ni Villar ang Committee on Health, Committee on Women and Gender Equality, at Committee on Sustainable Development Goals na magkasa ng isang inquiry tungkol sa isyu.
Tinukoy ng mambabatas na noong 2021, umabot sa 2,478 na kababaihan ang nasawi dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis o sa panganganak.
Katumbas aniya ito ng anim hanggang pito na namamatay kada araw.
Dahil naman dito, lalong lumakas ang panawagan ng lady solon na pag-ibayuhin ng pamahalaan ang pagbibigay access sa mga buntis sa kinakailangan nilang health services.
“It is the duty of the government to promote programs that are responsive to the needs of the people and to ensure that women in particular — and the public in general — have equal access and easy access to adequate healthcare programs. It is imperative to institute reforms with the way the present state of affairs of the country’s healthcare is being run, rethink present strategies, and support key programs for reproductive health,” saad ni Villar.
Ipinunto pa nito na salig sa United Nations Sustainable Development Goals na kinikilala ng Pilipinas, target na mapababa ang global maternal mortality ratio ng mas mababa pa sa 70 per 100,000 live births kada taon pagsapit ng 2030. | ulat ni Kathleen Jean Forbes