Pagtapat ng effectivity ng taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 sa pagsisimula ng klase sa Agosto, nagkataon lang — DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkataon lamang na natapat sa pagbubukas ng klase sa Agosto ang pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) LRT-1 at LRT-2 ayon yan sa Department of Transportation (DOTr).

Sa naging pulong balitaan kaninang hapon, sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na kinailangan na mailabas sa mga pahayagan ang aprubadong taas-pasahe ng tatlong magkakasunod na linggo partikular sa mga petsa ng June 19, June 26, at July 3.

Sinabi rin ni Aquino, na magiging epektibo lamang ang taas-pasahe matapos ang 30 araw mula nang lumabas ang huling publikasyon ng aprubadong taas-pasahe.

Ayon pa sa opisyal, mapapabuti ng taas-pasahe ang serbisyo at magkaroon ng napapanahong maintenance sa mga pasilidad, communication, at signaling system at mga kinakailangan upang maging komportable ang mga pasahero.

Oras na maging epektibo ang taas-pasahe, magiging P13.29 na ang magiging boarding fee mula sa dating P11, habang ang kada kilometrong dagdag ay magiging P1.21 na mula sa dating piso lang. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us