Pagtugis kay ex-BuCor Chief Bantag, itutuloy pa rin ng PNP sa kabila ng pag-archive ng kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi titigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagtugis kay Ex-Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag, at sa deputy nitong si Ricardo Zulueta.

Ito ang nilinaw ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo matapos na i-archive ng Muntinlupa Regional Trial Court ang kaso laban sa dalawa kaugnay ng pagpaslang sa Broadcaster na si Percy Lapid.

Paliwanag ni Fajardo, ang pag-archive sa kaso ay normal na proseso kapag hindi naisilbi ang arrest warrant na inilabas ng korte laban sa mga akusado sa loob ng 10 araw.

Pagkalipas, aniya, ng panahong ito, kinakailangang magsumite sa korte ng “compliance” ang mga law enforcement agency na binigyan ng kopya ng warrant of arrest.

Kasunod, aniya, nito ay maglalabas naman ng “alias warrant” ang korte na basehan ng patuloy na pagtugis sa subject ng warrant.

Tiniyak naman ni Fajardo na hindi mababale-wala o mapapabayaan ang kaso laban kay Bantag at Zulueta sa pag-archive nito, dahil mare-revive ang kaso sa oras na mahuli ang sinoman sa mga akusado. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us