Pamahalaang lungsod ng Taguig, naglunsad ng isang FB group para sa mga nanay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Taguig City Government ang MOMS Taguig Facebook Group sa isinagawang Buntis Congress ng lungsod kahapon sa Taguig Lakeshore Hall.

Layon ng nasabing Facebook group na magkaroon ng diskusyon at palitan ng tips ng mga nanay sa Taguig.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nais nito na tiyakin na magiging kaagapay ng mga nanay ang pamahalaang lungsod sa kanilang pagbubuntis.

Nagsagawa rin ng lecture sa nasabing Buntis Congress ng patungkol sa family planning, mental health ng mga buntis, post-partum depression, at epekto ng screen time at paggamit ng gadget ng mga bata.

Nakatanggap rin ang mga dumalong nanay ng token loot bag na naglalaman ng bigas, sabon, baby bib, baby powder, diaper, sanitary napkin, at alcohol.

Habang ang mga piling nanay ay nakatanggap ng 3-in-1 Taguig baby bags na maaaring gamitin bilang diaper bag, crib, at changing pad. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📷: Screenshot Taguig FB page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us