Higit pa sa inaasahan ang naging performance ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang unang taon ng pamumuno.
Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, ang unang taon ni PBBM ay puno ng ‘notable breakthrough’ mula sa mas maraming trabaho, investment at gumagandang ekonomiya ng bansa.
“President Marcos has performed above par as Chief Executive, with his first year in office distinguished by notable breakthroughs in his overriding promise of more jobs and better lives for our people via an economy that is not only strong and resilient but also inclusive and sustainable.” saad ni Villafuerte.
Dagdag pa ng kongresista, sa maikling panahon ay unti-unti aniyang natupad ng chief executive ang kaniyang “Bangon Bayan Muli” campaign slogan.
At bagamat marami pang dapat gawin, tiyak naman na nasa tamang direksyon ang mga polisiya ng Marcos Jr. administration.
“…his [PBBM] Administration has managed to accomplish better-than-expected initial results in the President’s 2022 “Bangon Bayan Muli” campaign pledge to uplift the lives of all Filipinos. The rosy indicators this early, underscores that while his government needs to do a lot more over the next five years to fully realize its social and economic transformation agenda, it is, for sure, on track toward achieving the President’s vision for a prosperous, inclusive and resilient Philippines.” diin ng mambabatas.
Kumpiyansa rin si Villafuerte na nakikita at ramdam ng publiko at maging ng business community ang mga pagbabagong dala ng kasalukuyang administrasyon, lalo na ang pagbabalik ng sigla ng ekonomiya sa pre-pandemic level.
Patunay aniya dito ang mataas na approval rating ng Pangulo at ang pagiging optimistiko ng mga Pilipino na gaganda pa ang kanilang buhay sa susunod na mga taon.
“Mr. Marcos’ pro-poor and pro-growth initiatives have won broad and deep support from our people and the business community as shown by the latest opinion polls pointing to the President’s high approval ratings along with public optimism that the country and our economy will be better in the year ahead.” sabi ng CamSur solon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes