Pangalan ng BFP Staion sa Ilocos Norte, umano’y ginagamit ng mga nagtitinda ng LPG regulator

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nalaman ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte na umano’y ginagamit ng tatlong kalalakihan ang pangalan ng ahensya sa pagtitinda ng LPG regulator.

Sinabi F/Insp. Reynold Aguinaldo, municipal fire marshal na nalaman nila ang impormasyon sa ilang residente ng Brgy. 3 Sta. Barbara sa nasabing bayan.

Pinabulaanan ng fire marshal na may koneksiyon ang mga hindi pa nakikilalang mga lalaki sa kanilang opisina kaugnay sa nasabing impormasyon.

Panawagan nito sa publiko na palihim na kunan ng litrato ang mga ito para may basehan sa kanilang pag-iimbestiga.

Kaugnay nito, sinabi naman ni P/Capt. Reycar Almazan, deputy chief of police ng nasabing bayan, na patuloy ang kanilang balidasyon sa naturang impormasyon.

Dagdag ni Almazan na ang posibleng modus ng mga ito ay para mahikayat ang mga inosenteng tao na mabili ang mga panindang LGP regulator, kung saan puntirya ang mga senior citizen at may kaya sa buhay.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us