Pangalawang suspek sa Bunduquin murder, kakasuhan na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakahanda na ang PNP na sampahan ng kaso ang ikalawang suspek sa pamamaril at pagpaslang sa brodkaster na si Cresenciano Bunduquin.

Sinabi ni Gen. Acorda na tukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan at lokasyon ng ikalawang suspek, pero hindi muna ito papangalanan hangga’t hindi naisasampa ang kaso sa piskalya.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Gen. Acorda na malakas ang kaso ng PNP laban sa suspek dahil hawak nila ang primary witness sa krimen.

Sa ngayon, hindi pa batid ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kay Bunduquin pero iba’t ibang anggulo ang kanilang tinitignan.

Nabatid na umaabot na sa P150,000 ang reward money sa makapagtuturo sa kinaroroonan o makapagbibigay ng anumang impormasyon tungo sa ikadarakip ng suspek. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us