Malaki ang naitulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA), sa unang taon ng Marcos Administration.
Sa briefing ng Laging Handa, inihalimbawa ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista ang Kadiwa ng Pangulo stores na nabuksan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Tumaas kasi aniya ang interes ng mga lokal na pamahalaan para dito, na kasalukuyan ay nasa higit 600 na ang outlet sa buong bansa.
Ayon kay Asec. Evangelista, patuloy rin nilang pinalalakas ang laban ng pamahalaan kontra smuggling.
Habang pinag-aralan na rin nila ang mga paraan upang mabantayan ang supply at distribution system ng agri products sa bansa.
Kung matatandaan, una nang sinabi ni Pangulong Marcos na marami pang dapat gawin sa sektor ng agrikultura, lalo’t malaki ang papel na ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa.
“But there’s still a long way to go. We continue to work on the economy to make sure that our basics, our macroeconomic basics are in place. We are still fighting with inflation. Talagang ‘yan isa pa rin ‘yan na pinakamalaking problema na hinaharap natin. At lahat ng ating maaaring gawin ay ginagawa natin para hindi masyadong nahihirapan ang taong-bayan. So, you know, it’s never enough. It’s never enough. Whatever it is that we have managed to do, there is still a great deal more to do. We have a lot of work still to do and we have to work smart and work well and we have to be very conscious.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan