Kampante ang pamunuan ng Quezon City Jail Mail Dormitory na maipapasa ang panukalang ordinansa na magtatatag ng Social Reintegration Program para sa mga mapapalayang Persons Deprived of Liberty .
Ang panukala na inendorso ni City Councilor Rannie Lodovica ay nasa final approval na ng konseho ng lungsod Quezon.
Kapag ito ay naging ganap nang batas, magkakaroon na ng pondo para sa After Care Program ng mga PDL na nagbabalik sa lipunan.
Tiwala ang QCJMD, na mawakasan na rin ang diskriminasyon sa mga PDL at matulungan din maging ang kanilang pamilya.
Kasama sa pagbuo ng Social Reintegration Programs ang iba’t ibang departamento ng city government, stakeholders at partner agencies.
Sa kabilang dako naman, responsibilidad ng mga punong barangay na magsagawa ng data gathering tungkol sa estado at kabuhayan ng mga miyembro ng pamilya ng PDL.
Bago inihain sa konseho ang panukalang ordinansa, iba’t ibang sektor ang kinonsulta muna ukol dito sa pangunguna ni QC Jail Warden JSupt. Michelle Ng-Bonto. | ulat ni Rey Ferrer