Pasay LGU, magsasagawa ng Mega Job Fair sa June 30

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Mega Job Fair sa June 30, na gaganapin sa Music Hall ng SM Mall of Asia mula 8 AM hanggang 4 PM.

Aabot sa higit 2,000 bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga aplikanteng pupunta sa job fair na lalahukan ng 50 kumpanya.

Mayroon ding one-stop shop na ilalagay ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng NBI, SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, PSA, DTI, at PHLPost.

Para sa mga unang beses o magre-renew ng NBI Clearance ay pinaalalahanang magtungo sa website ng NBI na https://clearance.nbi.gov.ph/ para makapagrehistro.

Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan na huwag kalimutan na magdala ng resume, ballpen, at magsuot ng naaangkop na kasuotan.  | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us