PBBM, pinasalamatan at pinapurihan ng party-list solon matapos mabigyan ng pardon ang tatlong convicted OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si OFW Partylist Representative Marissa “Del Mar” Magsino sa lahat ng gumawa ng paraan upang mabigyan ng pardon ang tatlong OFW sa UAE, kung saan dalawa sa kanila ang nasa death row.

Pinaka dapat aniyang pasalamatan at papurihan ay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siyang nag-apela para sa sitwasyon ng naturang mga OFW.

“Matagal nang nangangamba ang mga kapamilya ng ating mga OFWs na nasa bingit, at ang masigasig na pakikipag-ugnayan ng ating Presidente sa pamahalaan ng UAE ang bumuhay sa pag-asa nila,” ani Magsino.

Ipinunto naman ng mambabatas ang kahalagahan na patuloy na bantayan ang kapakanan ng mga kababayang nasa ‘death row’ sa mga bansang pinagtatrabahuhan nila.

Bahagi aniya nito ang pagsilip sa kalagayan ng mga OFW na nahatulan ng capital offenses at ang mga nasa death row, kasama na ang patuloy na pagbigay ng legal assistance para sa posibilidad na mabaliktad ang mga hatol sa kanila.

Kasabay nito ay hiniling din ni Magsino na repasuhin at i-assess ang iba’t ibang tulong na ibinibigay ng pamahalaan partikular sa usaping legal, lalo na para sa mga kasalukuyang nakapiit.

Diin ng lady solon na habang may panahon pa, ay dapat gugulin ang lahat ng posibleng aksyon upang maisalba ang buhay ng ating OFWs. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us