PCA, humirit ng dagdag na ₱11-B pondo para mapalago ang industriya ng pagniniyog sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humihiling ng karagdagang ₱11-B pondo ang Philippine Coconut Authority sa Department of Budget and Management para mapalago pa ang industriya ng pagniniyog sa bansa.

Ito ay sa gitna ng bumababa nang produksyon ng mga taniman ng niyog sa bansa na nagiging hamon ngayon sa industriya.

Marami kase aniyang mga niyog sa bansa ang matatanda na at marami rin ang taun-taong nasisira dahil sa climate change.

Ayon kay PCA Admin Bernie Cruz, magiging ‘reinvestment’ ang pondong ito para maitaguyod ang kabuhayan ng mga nagniniyog at mapanatiling matatag ang coco industry.

Kasama sa plano ng ahensya ang massive replanting para mapalitan ng mas magagandang variety ang mga pananim na niyog.

Sa ilalim nito, balak ng PCA na maglagay ng mga seed garden o farm sa bawat coconut producing areas.

Pinaplano rin ang pagtataguyod ng coconut salt fertilization para matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang yield.

Target din ng PCA na palawakin pa ang mga produktong maaaring makuha sa pagniniyog na hindi lang limitado sa copra at mas maging kaakit-akit pa ito sa international market. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us