PCSO, namahagi ng 1,000 family food packs sa mga mahihirap na senior citizen at PWD sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng isang libong family food packs ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mahihirap na senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa Batangas.

Personal na tumungo si PCSO Director Ret. Judge Felix Reyes at iba pang opisyal ng ahensya sa Batangas para ipamahagi ang nasabing tulong.

Kasabay din ng pagbibigay ng tulong ay nagkaloob din ang PCSO ng scholarship assistance sa walong kwalipikadong mga estudyante mula sa Lungsod ng Lipa.

Ayon kay Reyes, ang programang ito ay patunay ng mataas ang pagpapahalaga ng ahensya sa larangan ng edukasyon.

Ang pamamahagi ng tulong ng PCSO ay alinsunod din sa inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang pansin ang sektor senior citizens at PWDs.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us