“Person of interest” sa pagpatay sa brodkaster mula Oriental Mindoro, natukoy na ng SITG

Facebook
Twitter
LinkedIn

May tinitingnang “person of interest” ang PNP sa kaso ng pamamaril at pagpatay kay radio commentator Cresenciano Aldovino Bunduquin.

Ito ang inanunsyo ni PNP Oriental Mindoro Provincial Director Police Col. Samuel Delorino, na siya ring namumuno sa Special Investigation Task Group (SITG) Bunduquin na nakatutok sa kaso.

Ayon kay Delorino, ngayon araw ay kukunan ng pahayag ang dalawang testigo para malaman kung positibong may kaugnayan sa kaso ang natukoy na “person of interest”.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang opisyal na mapapabilis ang pagresolba ng kaso kung positibo ang impormasyong makuha mula sa mga testigo.

Ayon kay Delorino, tinitignan nila ang dalawang posibleng anggulo sa kaso, at ito ay personal na alitan, at motibong may kinalaman sa trabaho ng biktima. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us