Muling bumisita sa Sulu ang sikat na Philippine Looper na si Victor Salas upang isulong ang kaniyang adbokasiya na gawing adventure destination ang lalawigan.
Kasabay nito ani Salas, isasailalim niya sa pagsasanay ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at tourism sa paggawa ng kuwintas na maaring ibenta sa mga lugar na dinarayo ng mga turista bilang karagdagang mapagkakitaan.
Saka siya aniya tutungo sa probinsiya ng Tawi-Tawi para sa parehong adbokasiya.
Dumating kahapon si Salas sa bayan ng Jolo sa pamamagitan ng isang pampasaherong barko bitbit ang kaniyang bisikleta.
Namangha ito sa mga tourist spot lalo na sa mga dalampasigan sa lalawigan sa unang pagbisita niya kung saan nakapag-ikot sa unang distrito.
Nais niya ngayon na makarating din sa mga bayan na sakop ng ikalawang distrito ng lalawigan sa pamamagitan ng pagpapadyak.
Naikot na ni Salas ang mahigit 7,000 kapuluan sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadyak at limitadong budget na sinimulan noon lang panahon ng pandemya. | ulat ni Mira Sigaring | RP1 Jolo