Pinakaunang Super Health Center sa Davao del Sur, itatayo sa Digos City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang itayo ang pinakaunang Super Health Center sa probinsya ng Davao del Sur sa Brgy Zone III, Digos City.

Ayon kay Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Chairperson ng Committee on Health sa Senado, layunin ng nasabing pasilidad na maserbisyuhan ang mga kababayan sa probinsya lalo ang nasa malalayong bahagi ng lungsod.

Kabilang na rito ang out-patient services, paanakan, laboratory services gaya ng x-ray at ultrasound, diagnostic at emergency services.

Layunin din nitong ma-decongest ang mga pasyente sa Davao del Sur Provincial Hospital na nangangailangan ng serbisyong medikal.

Ang Digos Super Health Center ay isa sa labingwalong Super Health Center na itatayo sa Davao region mula sa 2022 budget ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program.

Aasahan na sisimulan ang operasyon ng pasilidad sa Setyembre taong 2023.| ulat ni Sheila Lisondra| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us