Nagpasalamat ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa publiko sa patuloy nitong pagtangkilik at pagtitiwala sa kanila.
Ito ang inihayag ni PITX Corporate Affairs and Gov’t Relations Head Jason Salvador makaraang ipagmalaki nito na nakapagsilbi na sila ng 102,302,706 mga pasahero buhat nang buksan ito noong 2018.
Ang PITX ay nagsisilbing terminal sa iba’t ibang transport modalities tulad ng mga Bus, Jeepney at Taxi kaya’t mas madali at mabilis ang pagbiyahe ng mga komyuter.
Dahil dito, nagako ang PITX na kanila pang pag-iibayuhin ang pagseserbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pagpapaganda ng kanilang mga pasilidad at maagap na pagtugon sa pangangailangan ng mga pasahero.
Nakatakdang maglunsad ang PITX ng mga bagong inisyatiba at program sa mga susunod na buwan kabilang na ang mga bagong ruta gayundin ang partnerhip nito sa iba’t ibang transport companies.
Ang lahat ng ito ani Salvador ay bahagi ng kanilang pangako na bigyan ng ligtas, maasahan at kumbinyenteng biyahe ang mga pasahero nito. | ulat ni Jaymark Dagala