PNP, itinangging kanlungan ang Pilipinas ng international criminals

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi ito tumitigil sa paghahabol at pagpapanagot sa mga dayuhang sindikato.

Ito ang reaksyon ng PNP kasunod ng pahayag ni Teresita Ang See ng Movement for the Restoration of Peace and Order na naging safe haven na umano ang Pilipinas para sa mga International Crime Syndicate.

Ginawa ni Ang See ang pahayag sa harap ng sunod-sunod na kaso ng pagdukot ng mga Tsino sa kanilang kababayan na kapwa nila nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Kalimitan sa mga nabibiktima ay nakararanas ng pagmamalupit habang ang iba’y pinuputulan pa ng daliri at tinatakot ang pamilya ng mga biktima para makahingi ng ransom.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Redrico Maranan, kailanman ay hindi naging safe haven ng mga dayuhang sindikato ang Pilipinas.

Patuloy lamang aniya ang PNP sa kanilang mandato na puksain ang mga nanggugulo sa kapayapaan at kaayusan gayundin ay harangin ang mga sindikatong papasok sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us