PNP, itinangging may nasawi sa isinagawang raid sa POGO sa Las Piñas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing itinanggi ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) na may nasawing dayuhan na kabilang naman sa mahigit 2,000 Online Workers sa Las Piñas City nitong Martes.

Ito’y makaraang kumalat sa social media ang impormasyon hinggil na may 3 dayuhan na kabilang sa mga sinagip na online worker ang namatay sa ikinasang operasyon ng Pulisya.

Ayon kay PNP-ACG Spokesperson, P/Capt. Michelle Sabino, walang katotohanan ang mga kumakalat na balita sa social media pero totoo na may mga nagalit dahil sa pinakawalan ang mga kasama nilang Pilipino.

Magugunitang sinalakay ng PNP ang Xianchuang Network Technology Inc. na nakabase sa Alabang-Zapote rd, Brgy. Almanza Uno sa nabanggit na lungsod sa bisa ng isang Search Warrant mula sa korte.

Kaugnay nito, umaalma naman ang ka-anak ng ilang mga sinasabing sinagip na online workers dahil sumbong ng mga ito, hindi sila pinapakain sa loob ng compound.

Pinutol din ang suplay ng kuryente at tubig sa lugar dahilan upang lalo pang dumanas ng kalbaryo ang mga sinasabing sinagip.

Giit naman ng Kong Esqueta ng Xianchuang Network Technology, nakakuha sila ng permit o POGO license na epektibo hanggang 2025 at may working visa ang kanilang mga empleyado.

Pero nanindigan si Sabino na lehitimo ang kanilang operasyon at handa silang patunayan ito sa tamang forum. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us