Police Regional Office 5, naka-heightened alert na hingil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka heightened alert na ang Police Regional Office 5 hinggil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon

Ayon kay PRO 5 Regional Director Patrick Obinque, nakahanda na ang nasa mahigit 600 police personnel ang ikakaklat sa buong probinsya patikular sa areas of concerns, na malapit sa bulkang Mayon at round the clock na magbabantay sa naturang mga lugar.

Dagdag pa ni Obinque, naglagay na sila ng choke points na malapit sa permanent danger zone para ma-monitor ang mga bumabalik na residente sa kanilang lugar. Kaugnay nito, nagpaalala si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa publiko na huwag na munang bumalik sa kani-kanilang mga tirahan upang masiguro ang kanilang kaligtasan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us