Iniulat ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang power transmission services nito sa kabila ng tumamang ng 6.3 magnitude na lindol na tumama sa Calatagan, Batangas at naramdaman hanggang Metro Manila.
Ayon sa NGCP, nananatiling intact at stable ang Luzon grid sa kabila ng naramdamang malakas na pagyanig.
Wala ring naitalang power interruptions na mai-uugnay sa nangyaring lindol.
At wala ring nai-ulat na pinsala sa mga transmission facilities kung saan naramdaman ang lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa