Nagsimula na ang pre-screening para sa aplikasyon ng pagkuha at pag-renew ng pasaporte sa lungsod ng Navotas.
Ayon sa Navotas City government, sa darating na Agosto 15, muli na namang dadayo sa lungsod ang Passport On Wheels ng Department of Foreign Affairs upang tumanggap ng application para sa pasaporte.
Tatagal ang pre-screening hanggang Biyernes, Hunyo 16.
Paalala ng LGU na pumunta sa itinakdang schedule at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang hindi makansela ang application.
Limitado lamang sa 500 slots ang bibigyan ng pagkakataon na makakuha at makapag-renew ng passport. May mga proseso ding dapat sundin ang mga aplikante.
Samantala, ang mga nawala at sirang passport ay hindi tatanggapin sa Passport on Wheels. Maaari lamang na i-apply ito para sa renewal sa DFA passport application sites. | ulat ni Rey Ferrer