QC LGU, muling nanawagan sa mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura lalo ngayong tag-ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang apela ng Quezon City local government sa mga residente na huwag magtapon ng basura sa mga kanal at estero.

Kadalasan kasing mga tambak na basura ang nagdudulot ng pagbara sa mga creek at ilog sa lungsod na nagiging dahilan ng pagbaha lalo ngayong maulan ang panahon.

Ayon sa LGU, dapat na maging responsable sa pagtatapon ng basura ang publiko at ugaliing magtapon lamang ng mga basura sa wastong tapunan.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang clean up operation ng mga tauhan ng QC Department of Sanitation and Cleanup Works sa mga creek at ilog sa lungsod upang maiwasan ang pagbara ng katubigan.

Kabilang sa natapos na ng Riverways Cleanup Operations Group o RCOG ang Violet St. Creek sa Brgy. Pasong Tamo; Culiat Creek sa Brgy. Culiat at Balingasa Creek sa Brgy. Talayan / Brgy. Sto. Domingo.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us