Nag-abiso na ang Quezon City Government sa posibleng pagbigat sa daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa lungsod kaugnay ng gaganaping PRIDE PH festival sa darating na Sabado, June 24.
Nasa tinatayang 50,000 na miyembro at kaalyado ng LGBTQIA+ ang inaasahan sa naturang pagtitipon, kaya’t posible ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsadang dadaanan, partikular na ng Pride march mula 3 PM hanggang 6 PM.
Magsisimula ang simultaneous march sa North Avenue Gate ng Quezon Memorial Circle papuntang East Avenue, Kalayaan Avenue, hanggang Elliptical Road at pabalik ng Quezon Memorial Circle – Commonwealth Avenue Gate.
Kaugnay nito, magde-deploy naman ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) ng mga tauhan para masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. | ulat ni Merry Ann Bastasa