Nagpaabot ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa mga pamilyang nabiktima ng sunog sa Barangay Bagbag.
Personal na ipinamahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tulong-pinansyal sa mga nasunugan na nasa 199 na pamilya.
Tig P10,000 ang ibinigay ni Belmonte sa homeowners habang P5,000 naman sa mga nagrerenta o sharer.
Patuloy din ang pag-agapay ng city government sa mga biktima, sa pamamagitan ng pamamahagi ng hot meals at pag-aasikaso ng pansamantalang matutuluyan.
Bukod dito, magkakaloob ang LGU ng material assistance at food packs sa mga nasunugan.
Madaling araw ng Miyerkules nang mangyari ang sunog sa Barangay Bagbag na umabot sa ikalawang alarma. | ulat ni Hajji Kaamiño