Bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa lungsod Quezon na ngayon ay nasa low risk classification na, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.
Ayon kay OCTA Research Fello Dr. Guido David, bumaba na sa ikatlong sunod na linggo ang COVID daily cases sa lungsod.
Bumaba rin ang positivity rate sa 17.3% mula sa dating 22.2% habang ang hospital occupancy rate ay bumaba rin sa 33% mula sa 35%.
Una na ring iniulat ng QC LGU na mas mababa na sa isa ang reproduction number nito na nangangahulugang ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection. | ulat ni Merry Ann Bastasa