‘Record breaking’ na bilang ng aplikante sa Cadet Admission Test, iniulat ng PNPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nakatanggap sila ng 77,410 aplikasyon para sa PNPA Cadet Admission Test (PNPACAT) ngayong taon.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, tagapagsalita ng PNPA, ito ang pinakamalaking bilang ng mga aplikante sa kasaysayan ng PNPACAT.

Mahigit doble ito sa dating record na 33,085 aplikante noong 2021.

Ang pagiging aktibo ng PNPA at PNP sa social media sa panghihikayat ng mga kabataan na pumasok sa serbisyo ang isa sa nakikitang dahilan ng pag-lobo ng bilang ng mga aplikasyon sa taong ito.

Nakatulong din ang mas madaling proseso ng aplikasyon dahil online na ito.

Inaasahan ng PNPA na madadagdagan pa ang bilang ng mga aplikante dahil bukas pa ang aplikasyon hanggang July 30.  | ulat ni Leo Sarne