Nagpasalamat si Albay Representative Joey Salceda sa pangakong tulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglaan ng WASH o water, sanitation, at hygiene facilities sa evacuation centers sa Albay.
Matatandaan na sinabi ni Salceda na batay sa kanilang karanasan, posibleng matagalan pa ang Mayon evacuation.
Kaya aniya mahalaga ang WASH facilities, upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa evacuation centers.
“Cleanliness is central to Filipino dignity. That’s why we are very thankful that the President has given his assurance of support for these facilities in evacuation centers. For prolonged evacuation, sanitation concerns will compound. And the lack of WASH facilities compounds other risks, including disease.” — Salceda
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na aagapay ang national government sa pagtatayo ng naturang mga pasilidad.
Itinutulak din ni Salceda sa Albay delegation sa kongreso, na matulungan ng House leadership na mapondohan ang WASH facilities. | ulat ni Kathleen Forbes