Runway at taxiway ng NAIA, isinara muna matapos ang magnitude 6.3 na lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) na sarado muna ang mga runway at taxiway ng Ninoy Aquino International Airport bunsod ng magnitude 6.3 na lindol na naramdaman sa Metro Manila kaninang 10:19 ng umaga.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division, nagsasagawa na ng cursory inspection ang MIAA Safety Units upang tignan kung mayroong pinsala sa mga pavement.

Ito ay isang standard operating procedure upang masiguro na makakalapag at makakapag-takeoff ang mga aircraft ng ligtas.

Samantala, hindi apektado ng nasabing inspeksyon ang departure at arrival operations ng mga terminal na siyang isinasagawa naman ng Terminal Safety Units ng MIAA.

Humingi naman ng pang-unawa ang MIAA sa publiko sa posibleng maging epekto ng pagsasara ng runway sa mga flight schedule. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us