San Juan City LGU, naglunsad ng mobile kitchen feeding program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ang San Juan City government ng Mobile Kitchen Feeding Program para sa mga residente ng lungsod ngayong araw.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, layon ng naturang programa na makapagbigay ng masustansyang pagkain sa bawat residentene at maiwasan ang malnutrisyon sa lungsod.

Dagdag pa ni Mayor Zamora na mag-iikot ang kanilang mobile kitchen feeding program sa iba’t ibang barangay sa San Juan City.

Sa huli ipinangako naman ni Mayor Zamora sa kanyang mga constituents na magpapatuloy ang kanyang mga ganitong uri ng programa para sa kanyang bisyon na makabagong San Juan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us