San Juan LGU, walang sasayanging tubig sa kapistahan ng lungsod sa Hunyo 24

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni San Juan Mayor Francis Zamora na walang mangyayaring basaan ng tubig sa Wattah-wattah festival sa kapistahan ni St John the Baptist sa San Juan sa Hunyo 24.

Nilinaw ng alkalde na bahagi ito ng pagtitipid ng tubig lalo na ngayong panahon ng El Niño na may nagbabadyang water shortage.

Bagama’t walang basaan ng tubig, marami pa ring aktibidad ang ipatutupad sa lungsod para sa pagdiriwang ng kapistahan.

Ngayong umaga, umarangkada na ang isang linggong selebrasyon ng ika-16 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng San Juan.

Pinangunahan ng alkalde, ang pagbubukas ng mga aktibidad sa Pinaglabanan Shrine sa pamamagitan ng kampanya sa pagtitipd ng tubig.

Kasama nito ang San Juan City bikers para sa Tubig ay Buhay” Biking Parade.

Iikot sa mga barangay ang mga siklista kasabay ng pamamahagi ng mga polyetos na nagbibigay ng tips tungkol sa pagtitipid ng tubig.

Bukod dito, iba’t ibang aktibidad pa ang matutunghayan sa lungsod simula ngayong araw. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us