Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng mga pangunghing bilihin sa mga lugar na may umiiral na price freeze, partikular sa Albay.
Sa gitna pa rin ito ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sa briefing ng Laging Handa, ipinaliwanag ni DTI Usec. Ruth Castello na bago pa man tumama ang anumang kalamidad sa isang lugar, inaabisuhan na agad nila ang mga malalaking retailer upang masiguro na kumpleto at sapat ang kanilang supply.
Ibig sabihin, hindi dapat mag-panic buying ang mga residente sa lugar.
Ayon sa opisyal sa ilalim ng price freeze, cover nito ang lahat ng basic necessity na nakalista sa iba’t ibang implementing agency nito, tulad ng suggested retail price ng DTI, mga pangunahing gamot na tinukoy ng Department of Health, at ilang pang basic necessity na tinukoy ng Department of Energy, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Agriculture. | ulat ni Racquel Bayan