School DRRM Teams sa Albay, pinaa-activate ng DepEd sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) ang pag-activate sa School Disaster Risk Reduction and Management Team sa Albay kasunod ng pagtataas ng alert status ng Bulkang Mayon.

Ayon sa DepEd, ngayong pinalawak na sa pitong kilometro ang radius ng idineklarang Danger Zone ay dapat panatilihin ang mahigpit na koordinasyon sa PDRRMC at MDRRMC kaugnay sa paghahanda at gabay sa suspensyon ng klase at trabaho.

Pinalalatag din nito ang School DRRM Contingency Plan at pinatitiyak na updated ang school baseline education data.

Bukod dito, magtatakda ng bilang at posibleng lokasyon para sa pagtatayo ng Temporary Learning Spaces bunsod ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon habang ililipat naman ang educational resources at mahahalagang record sa ligtas na lugar.

Samantala, idinagdag ng DepEd na kailangang ipalaganap ang bulletin mula sa PHIVOLCS at PDRRMC at siguruhing magagamit ang Early Warning System tulad ng siren emergency signal o mobile at web-based warning system.| ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us