Search and rescue ops para sa mga tripulante ng FB Genesis 2, itingil na ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdesisyon na ang Coast Guard District Southeastern Mindanao na itigil ang search and rescue operations para sa mga nawawalang anim na crew ng FB Genesis 2.

Ito ay matapos ang isang linggong paghahanap sa mga nawawalang tripulante.

Ayon sa PCG, base sa kanilang nakuhang impormasyon ay posibleng na-trap ang anim na crew sa loob ng kanilang barkong pangisda kung saan lumubog ito sa may katubigan ng Baganga, Davao Oriental.

Sa nangyaring insidente, 14 ang na-rescue ng awtoridad, tatlo ang kumpirmadong patay at anim ang nawawala kabilang ang kapitan ng barko.

Sa kabila naman ng pagtatapos ng search and rescue operations ay tiniyak ng Philippine Coast Guard na patuloy pa rin nilang i-aalerto ang mga dumadaan na sasakyang pandagat hinggil sa posibilidad na may makita ang mga ito sa mga nawawalang crew. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us