Seguridad sa FIBA Basketball World Cup, tiniyak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng PNP ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad ng seguridad sa idaraos na 19th International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023 sa bansa mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., ipatutupad ng PNP ang subok nang “major events security framework” para sa naturang palaro.

Ito rin aniya ang “security framework” na ipinatupad sa nakalipas na malalaking international event na idinaos sa bansa tulad ng 2015 APEC Summit, 2015 Papal Visit, 2017 ASEAN Summit at 2020 Miss Universe Pageant.

Sa ngayon aniya ay inorganisa na ang Security Task Force (STF) FBWC 2023 na pinangungunahan ng Acting Deputy Chief PNP for Operations (TADCO) bilang Overall Supervisor at Acting Director for Operations (TADO) bilang Commander, para pamahalaan ang seguridad.

Ang Pilipinas ang isa sa tatlong bansa sa Asya, kasama ang Indonesia at Japan, na host ng naturang international competition. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us