Sen. Bong Go, DOH at DSWD Caraga, naghatid ng tulong-pinansyal sa Butuan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, Senate Committee Chair on Health ang site inspection ng Super Health Center sa Ampayon, Butuan City araw ng Martes, Hunyo 6.

Nasa P6.5-M ang inilaang pondo ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng DOH Center for Health Development para sa Super Health Center na may sukat na 13x20sqm.

Bukod sa Brgy. Ampayon, makakabenepisyo din nito ang iba pang 26 barangay na sakop ng Butuan City.

Matapos ang site visit, dumalo naman ang senador sa pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa 2,000 mahihirap na residente mula sa 86 barangay ng naturang lungsod.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P3,000 sa ilalim ng programang Assistance for Individuals In Crisis Situation (AICS) ng DSWD Caraga.

Bukod dito, naghandog din si Go ng saklay, quad cane at wheel chair sa mga may kapansanan. Pinasaya rin niya ang mga indigent families sa isinagawang pa-raffle ng bisekleta, rubber shoes, cellphone at bolang pang-basketball at volleyball.| ulat ni May Diez| RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us