Services sector, nananatiling top contributor sa ekonomiya ng MIMAROPA — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mas lumago ang ekonomiya ng Region 4-B o MIMAROPA sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, naitala sa 6.3 percent ang ekonomiya ng rehiyon na mas mataas kumpara sa pre-pandemic growth na 4.3 percent noong 2019. 

Nananatili aniyang pinakamalaki ang kontribusyon ng services sector na nasa 47.9%, pangalawa ang industry sector na may 34.1% share, at agriculture and forestry na may 18%.

Bagama’t inaasahan ang bahagyang pagbagal ng paglago sa 6% hanggang 7% ngayong taon, iginiit ni Balisacan na magsisilbing inspirasyon ang 7.6% na GDP growth ng bansa noong nakaraang taon.

Sa katunayan, kahit mabagal ay maituturing pa umanong kahanga-hanga ang 6.4% na first quarter growth ngayong 2023 sa kabila ng mga kinaharap na hamon.

Naniniwala naman ang opisyal na malaki ang magiging papel ng Regional Development Councils, sa paggabay at pangunguna sa implementasyon ng development plans sa local level laban sa kahirapan. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us